Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Smokey Manaloto, ipinagmamalaki ang special effects ng Inday Bote

031815 Smokey Manaloto

00 Alam mo na NonieTINIYAK ni Smokey Manaloto na matutuwa ang viewers ng Inday Bote na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Matteo Guidicelli, at Kean Cipriano.

Ayon sa beteranong komedyante, puno ng fantasy at matinding special effects ang bagong seryeng ito na nagsimula na last Monday, March 16 sa ABS CBN.

“Matutuwa sila rito dahil umpisang-umpisa ay hindi siya yung typical na serious na teleserye. Siyempre ano ito, fantasy na naka-center sa pamilya. Hindi lang talaga siya pambata, buong pamilya talaga mag-e-enjoy dito.

“’Tsaka pinagbuhusan talaga ng hirap at pagod ito. Kasi yung special effects dito sa Inday Bote, hindi pa nakikita sa ibang teleserye. Kasi maayos na maayos yung team na gumawa ng special effects nito,” esplika ni Smokey.

So, isa sa dapat abangan at tutukan iyong special effects ng Inday Bote?

“Isa na rin iyon, plus syempre, iyong kuwento kasi maganda ang kuwento nito. Medyo iba ito sa original na version ng Inday Bote. Yung original kasi, pito silang dwende, eto isang pamilya ang dwende. Kami iyon, isang pamilya bale kami ng duwende.”

Sinaba pa ni Smokey na sa Inday Bote ni Maricel Soriano, walang bading ngunit kuwelang duwende na ginampanan ni Roderick Paulate. Pero pambawi raw nila rito ang cute na si Alonzo Muhlach.

“Walang duwendeng bading ngayon, pero mayroon naman kaming dwendeng saksakan ng cute. Si Alonzo Muhlach. So, ‘yun ang pangpatas namin kay Roderick,” nakangiting saad niya.

Ano ang masasabi niya kina Alonzo at Alex?

“Si Alonzo, very-very talented, sana ay ma-polish pa yung acting skills niya at maalagaan pa siya.

Pero sigurado naman ako na maaalagaan siya nang todo-todo dito sa ABS.

“Si Alex naman, matagal ko na siyang nakasama. Sa Let’s Go pa lang, nakasama ko na siya, sa show ni Direk Bobot (Mortiz) and nakakatuwa na siya noon, e.

“Sigurado ako na mas nag-mature na siya ngayon as an actress, as an entertainer. Na-harness na niya iyong potentials niya as an actress. Kaya sigurado ako na kagigiliwan siya ng mga tao dito sa Inday Bote.”

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …