Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Simpleng pagpapakilig nina Zanjoe at Beauty, palong-palo sa viewers

030515 Zanjoe Beauty

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Beauty Gonzales na siya man ay hindi makapaniwalang magki-click ang simpleng pagpapakilig na ginagawa nila ni Zanjoe Marudo sa Dream Dad. Pero aminado siyang kinikilig siya kay Zanjoe.

“Hindi namin ine-expect na magiging ganito ‘yung suporta ng mga manonood sa team up namin ni Beauty. Nakatutuwa na malaman ‘yung reaksiyon nila na kinikilig sila sa istorya nina Baste at Alex,” ani Zanjoe.

Talaga sigurong click ang ganitong tema ng palabas na parang may hawig sa Be Careful with My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. ‘Yung nagkakagustuhan ang mag-amo. This time, boss ni Beauty si Zanjoe.

At dahil click ang ganitong tema, punompuno ng kasiyahan at pasasalamat ang buong cast ng Dream Dad dahil sa gabi-gabing pagsubaybay ng TV viewers sa charming primetime drama series ng ABS-CBN.

Noon ngang Huwebes (Marso 12) palong-palo ang ratings nito sa na 34.9% sa kabila ng pagdating ng bagong katapat sa timeslot. Base sa datos ng Kantar Media, ito ay halos doble ng nakuha ng bago nitong katapat na programa saGMA na Pari Koy na nakakuha lamang ng 17.8%.

Kaya huwag palampasin ang pagpapatuloy ng feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers, Dream Dad, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …