TALAGANG inakap na nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang paggamit at pagkain ng mga organic food. Kaya naman kahit sa gamot, mahalagang organic pa rin ang main ingredient nito.
Tulad ng Ascof Lagundi na endorser ang actor, tiniyak muna pala nito na gawa ito sa organic bago napapayag na iendoso. “Noong unang pinitch sa akin ‘to, sabi ko ayaw ko ng mga gamot kasi hindi ako umiinom ng gamot kasi kami ni Mariel organic (living), pero noong nakita ko na organic talaga ang ASCOF Lagundi,pumayag na agad ako,” sambit ni Robin nang bumisita ito sa LAC Farms, isa sa country’s biggest OCCP (Organic Certification Center of the Philippines), GAP (Good Agricultural Practices) at GMP (Good Manufacturing Practices)-certified organic farm na pag-aari ng Pascual Laboratories, ang gumagawa ng ASCOF Lagundi.
Ani Robin, mahalagang heral medicines an gating iniinom dahil natural ito kompara sa synthetic na nakakasira ng ating liver. ”Marami po tayong gamot na maiinom na available over-the-counter na gagamutin ‘yung sakit mo pero sisirain naman ‘yung liver mo,” paliwanag ni Robin.
Ang ASCOF Lagundi, ay isang herbal medicine, at masasabing natural, organic, at epektibo laban sa ubo. Mayroon itong luwag-tunaw combo laban sa ubo.
“‘Yung Chairman ng aming company, si Dr. Abraham F. Pascual, ay may advocacy na mag-develop ng natural products kasi marami talaga sa Philippines na halaman na may medicinal properties so it’s his advocacy to develop products that will be good for the consumers. We find that we are aligned with Mr. Robin Padilla’s own advocacy kaya naman siya ang kinuha namin as endorser for ASCOF,” paliwanag naman ni Ayne Rili, ASCOF’s Senior Brand Manager.
ni Maricris Valdez Nicasio