Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Female host, hiniwalayan si TV host dahil sa pagiging babaero at feeling sikat

00 blind itemni Reggee Bonoan

ANG pagiging babaero at feeling sikat ang dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahang male at female TV host.

Kuwento mismo ng mga taong malapit sa dalawa ay hindi mapigilan ni female TV host ang boyfriend niyang male TV host sa pambababae nito na ang katwiran naman ng huli ay ‘they’re all my friends.’

Pero hindi naniniwala ang female TV host dahil nga maraming nagkukuwento sa kanya hanggang sa isang kaibigan niya ang nagpakita ng video na may hinahalikang bar girl ang dyowang male TV host.

At dahil bukelya si male TV host, may I-hingi ng sorry at nakainom lang daw siya at kung ano-ano pang tsika para mapalambot ang galit ng girlfriend na TV host.

Ending, may ibang babae na namang kinalolokohan ang male TV host at nabuking na naman na ang katwiran ay, ”ganoon talaga ‘pag sikat ka, babae na ang lumalapit.”

Nabaliw ang female TV host dahil ganoon pala talaga ang pakiramdam ng boyfriend niyang TV host din na buong akala niya ay sinisiraan lang sa kanya kasi nga maraming may ayaw sa boyfriend niya.

At in passing ay nabanggit pa ng male TV host na hindi kasi niya parating nakakasama ang girlfriend niyang TV host din kaya sumasama siya sa imbitasyon ng ibang non-showbiz girlfriends.

Ang sumunod na tanong sa amin, ”sikat nga ba siya (male TV host) o feeling lang? Kasi pati manager niya, sabi sikat siya ngayon.”

Teka, isipin namin kung ano-anong projects ngayon ng sinasabing sikat na male TV host, wala kaming alam na serye niya, may show siya pero sa cable channel naman napapanood. Hindi rin naman siya regular sa isang variety show na buong mundo ang nakakapanood at higit sa lahat, pawang luma naman na ‘yung mga TVC niya na madalang pa sa patak ng ulan ngayong summer ipinalalabas.

Feeling sikat at feeling guwapo lang si male TV host para sa amin at isa rin sa dahilan kaya hindi siya maka-arangkada sa career niya, nuknukan ng yabang, ‘yun lang!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …