ni James Ty III
PUMASOK na sa pagiging artista ang dating contestant ng reality show na I Do na si Karen Bordador.
Isinama si Karen sa cast ng youth-oriented show na Luv U na palabas sa ABS-CBN tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng ASAP 20.
Papel niya ang isang seksing titser na ginampanan dati ni Bangs Garcia.
Hiwalay na si Karen sa kanyang boyfriend pagkatapos na umalis sila sa I Do ni Judy Ann Santos dahil hindi pa nila kayang pumasok sa pag-aasawa.
Dating model ng FHM si Karen bago siya pumasok sa I Do at nagtatrabaho rin siya bilang DJ sa isang sikat na FM station.
Umaasa si Karen na magiging maganda ang takbo ng kanyang career ngayong nasa Dos na siya.