Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, pinatigil ni Alex sa panliligaw

031815 alex arjo

00 fact sheet reggeeNAALIW kami kay Arjo Atayde dahil aligaga siya sa pagpo-promote sa Instagramaccount niya ng mga project ni Alex Gonzaga. Publicist ba siya ng aktres o loyal supporter?

Panay kasi ang promote ni Arjo ng show ni Alex nagsimula na.

Ang post ni Arjo sa kanyang Instagram na may litrato pa si Alex, ”Sabay-sabay nating panoorin ang pinakabagong handog ng ABSCBN at @dreamscapeph na siguradong tatama sa ating mga puso,#IndayBoteAhWaw let’s watch as @cathygonzaga has her BOTELICIOUS adventures along with @smokey_manaloto @mateoguidicelli and many more! Goodluck lex Will be praying for this kahit na alam kong sure hit na Congrats in advance Inday! Don’t forget the hashtag guys bago mag TV Patrol.”

Pati concert ng aktres ay ipino-promote rin ng binata, ”Pakyawin na yan! #AGfromtheEast#UnexpectedConcert to the people from the west! To the south! To the north! Punuin na ang Araneta hanggang umapaw! =ØOÜ<؈ß<Ø£ß<Ø»ßýÿýÿ<Ø·ß=ØÞ=ØOÞ=ØÞ get your tickets now!

Heto pa, ”never doubted this moment would come. Join me in supporting @cathygonzaga as she, #AGfromtheEastdoes her thing in the Big Dome! See you on April 25, 2015 8pm. Tickets are selling fast so bili na! Baka maubos agad! Proud of you, Lex! =ØOÞ congratulations in advance <؈ߔ

At pati ang album ni Alex ay binanggit niya at hawak-hawak pa na nagpakuha ng litrato,”AA from the West supports #AGfromtheEast =ØLÜ=ØÞ out in all record stores nationwide. Go and grab your copies now! Congrats, Lex! =ØOÜ @cathygonzaga.”

Walang project na magkasama ngayon sina Alex at Arjo kaya nagtataka kami kung bakit todo ang promote ng aktor at dinaig pa niya ang dalawang leading man ng dalaga na sinaMatteo Guidicelli at Kean Cipriano, ha, ha, ha, ha.

Anyway, ibubuking lang namin na nanligaw si Arjo kay Alex noong magkasama sila sa seryeng Pure Love, pero pinahinto ng dalaga dahil sarado raw ang door niya na ibig sabihin ay ayaw niyang magpaligaw dahil career daw ang priority niya.

At maski na tumigil na sa panliligaw si Arjo kay Alex ay nananatiling may komunikasyon ang dalawa.

Sabi ng taong malapit sa aktor, ”lagi naman niyang kinukumusta si Alex at alam ko, ina-acknowledge naman ni Alex ‘yun.”

 

ni Reggee Bonoan

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …