ni Alex Brosas
TAWANG-TAWA na ang marami sa Primetime King tag kay Dingdong Something.
Parang isang malaking MISNOMER na ang titulo para sa dyowa ni Marian Something. Hindi na ito totoo dahil semplang sa rating ang pilot episode ng actor na Pari Koy.
Walang binatbat ang show ni Dingdong sa teleserye ni Zanjoe Marudo considering na ang liit-liit lang ng support cast ng huli.
Nang mag-pilot episode ang Pari Koy ni Dingdong ay kumain ito ng alikabok sa rating ng Dream Dad mula sa Kantar Media. Ang show ni Zanjoe na Dream Daday nakakuha ng 32.5% samantalang 17% lang ang nakuha ng ng Pari Koy noong pilot episode nito. Almost 16% ang lamang ng teleserye ni Zanjoe sa soap ni Dingdong.
Noong March 10 survey naman ay kumain na naman ng alikabok si Dingdong nang magtala ng 33.9% ang Dream Dad against Dingdong’s soap which got 15.7%.
Naku, ano kaya ang masasabi ng Dingdong fans and cheerleaders dito? Wala na ba talagang kinang ang isang Dingdong Something? Hindi na ba siya sinusuportahan ng DongYan fanatics?
We’re interested kung paano ipaglalaban ni Shebangs Garcia ang amo niyang si Dingdong Something.