Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, sobrang nalungkot nang makunan

031715 Mariel Rodriguez robin

00 fact sheet reggeeGINULAT ni Mariel Rodriguez-Padilla ang netizens sa post niya sa Instagramaccount noong Marso 13 at 14 na may kuhang namamaga ang mga mata habang nakayakap sa upuan ng sasakyan na may caption.

“Not all days are happy… some days are sad. #byecutiepie.”At maraming nagtanong kung ano ang pinagdaraanan ngayon ng asawa ni Robin Padilla.

Sumunod na araw ay nag-post uli si Mariel ng litratong magkahawak kamay sila ni Robin at may caption na, ”having a sad day doesn’t mean its the end of the world. sh*t really does happen but today i felt so much love from my family and concerned friends. i am grateful because i am not alone during this turbulent phase in my life i have my sister, my stepdaughters, my friends and my husband. One day the sun will shine again. =ØOÞ #byecutiepie.

At dahil sa hashtag na ‘byecutiepie’ ay marami na ang nakahulang nakunan siya at nagbigay ng suporta kay Mariel.

Tinext namin si Mariel kahapon kung anong nangyari, ”thank you, Regg sa concerned mo, eight (8) weeks pregnant ako, no heartbeat. Baby did not develop.”

Ang alam namin ay gustong-gusto na ni Mariel na magkaanak sila ni Robin, pero kapag tinatanong siya ay parati niyang sagot ay, ‘in God’s time’ o gusto pa nilang i-enjoy mag-asawa ang isa’t isa.

Noon pa namin kilala si Mariel kaya alam namin na maski sinasabi nilang ‘baby’ nila ang isa’t isa ni Robin ay gustong-gusto na niyang magkaanak sila dahil hindi na nga naman siya bumabata.

At nang malamang buntis siya ay halos ipagsigawan niya ito dahil matutupad na rin daw ang pangarap nila ni Robin, pero pagkalipas ng walong linggo ay heto at sasabihing walang heartbeat ang nasa sinapupunan niya.

Sabi namin kay Mariel ay, ‘in God’s time’ ibibigay din ang hinihiling nila at nagpasalamat naman siya kaagad.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …