Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ganda at talino ni Wynwyn, sinayang (Sa hindi pagkapanalo sa Binibining Pilipinas…)

ni Ambet Nabus

031715 wynwyn marquez

HALA, naging running joke rin ang pagtawag ng “worstback” sa newly-crowned Miss Philippine-Universe na si Pia Wurtzbach dahil anila, “kung kailan maraming magaganda at magagaling, at saka pa nanalo ang three timer!”

Marami rin ang naghanap kay Phil Younghusband na umano’y siya ngayong special friend ni Pia (after Bangs Garcia).

Ikinokonek din ng ilang ‘bitter’ people ang pagiging minsan (or until now?) nitong pagiging Kapamilya artist (under Star Magic) dahil ang isa nga rin sa mga crowd favorite (and personal fave rin namin) na si Teresita Ssen Marquez o

Wynwyn ay hindi pinalad na makasungkit ng crown.

“Taga-GMA 7 kasi si Wynwyn, kahit na obvious ang husay nito at galing at talino at ganda at seksi, nakapagtatakang naetsapuwera ito sa mga major titles? Sa lahat ng candidates kasi, siya ang pinakamahusay sumagot, puno ng confidence at ismarte. Si Pia, ‘yung answer niyang ‘think before you click’ ay kinuha lang niya sa isang ad campaign ng GMA 7 on social media. Napaka-ironic ng pangyayari,”hirit pa nila.

At gaya ng marami nagtatanong din kami sa mga hurado na ang ganoong ganda at talino ni Wynwyn ay hindi man lang pinalad na mapabilang sa top seven winners of two runners-up and five title holders? Sayang ang chance sa international competition hahaha!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …