Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty, Kinikilig sa mga eksena nila ni Zanjoe

030515 Zanjoe Beauty

00 fact sheet reggeeInamin din ng aktres na kapag may eksena sila ni Zanjoe sa Dream Dad ay kinikilig siya, ”oo, nakakikilig naman siya kasi ang guwapo niya at saka kapag tumititig na, sabi ko nga, ‘Zanjoe, ‘wag ka nga tumitig’ puro biruan lang.

Pero hindi ano (type), kaibigan lang, kami,” biglang bawi ng aktres.

May boyfriend ngayon si Beauty na isang businessman at aminadong malaki ang agwat ng edad nila na pilit namang tinatanong ay iisa ang sagot sa amin.

“Bagsak ako sa Math, hindi ko alam magkuwenta,” tumatawang sabi ng dalaga.

Art collector ang boyfriend ni Beauty at natatawa kami sa kuwento niya dahil,”wala akong alam sa art, malay ko kung ano ‘yun, basta magaganda naman lahat ng paintings.”

Ang gustong-gusto raw ni Beauty sa boyfriend niyang may edad na ngayon ay,”very supportive, sobra niya akong bine-baby, hindi seloso, walang isyu sa amin, simpleng buhay lang, both family namin ay okay, walang isyu, kaya saya-sayahan lang,” kuwento ng aktres.

Inamin ni Beauty na kung siya ang masusunod ay ang kasalukuyang boyfriend na niya ang makatuluyan niya dahil swak ang ugali nila at nakita niyang magiging dream dad ito.

“Walang pressure sa amin, ako ang magsasabi kung kailan ako ready (mag-asawa), sa nakikita ko, I’m 24, siguro six (6) more years, at maghihintay naman siya sabi niya, ‘pag hindi lagot siya sa akin, ha, ha, ha, ha,” birong sabi ni Beauty.

At kaya ayaw na niyang magkaroon ng boyfriend na kasing edad niya dahil, ”kasi hindi kami magkasundo, pareho kaming matigas ang ulo at sinungaling.”

Anim na buwan na sina Beauty at ang boyfriend niya kaya malayo pa sa isipan niyang lumagay sa tahimik.

EXTENDED ANG DREAM DAD

Samantala, extended ang Dream Dad kaya labis-labis na nagpapasalamat ang buong cast ng programa kasama na ang production team dahil kasalukuyan nga silang nangunguna sa ratings game sa primetime.

Pinadapa ng DD ang katapat nitong programan noong Huwebes sa ratings game na 34.9% dahil ito ‘yung eksena na nagpasiyang huminto na si Paul (Matt Evans) sa panliligaw kay Alex (Beauty) dahil alam niyang si Baste (Zanjoe) ang gusto ng dalaga na halos kalahati lang ang nakuhang ratings ng Pari Ko’y ni Dingdong Dantes na 17.8%.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …