Samantala, hindi ba maninibago si Coco na once a week lang siya mapapanood kompara rati na gabi-gabi?
Nakaplano na raw kung kailan siya magso-soap opera at naka-schedule na lahat pati pelikula at dahil nakitang mahaba pa ang oras kaya napag-usapan na bakit hindi muna siya gumawa ng pambatang serye tulad ng Juan dela Cruz ngayong summer.
“Para this coming summer, saktong-sakto, ‘yung mga bata, nasa bahay. And then, dahil naging successful ang ‘Juan dela Cruz’, ‘bakit hindi ka gumawa sa Wansa’. And then, kinausap ako ng Dreamscape at sinabi nga nila na gusto nilang gumawa ng parang special episode this coming summer para sa mga bata,” say ng aktor.
Si Coco rin pala ang nagbigay ng idea kung anong konsepto ang gusto niya at binanggit nga niya ang mga pelikulang Indiana Jones or The Mummy.
“Ang ganda ng kuwento niya, sabi ko, honestly, puwede siyang gawing soap opera. Pero sabi nga natin, this coming summer, gusto naming bigyan ng ‘Wansa’ special episode ang mga bata na mahaba at maganda talaga ang kuwento,” kuwento ng Primetime King.
ni Reggee Bonoan