Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah at Matteo, super sweet nang nanood ng concert ni Ed Sheeran

ni Alex Brosas

031615 Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

ANG daming kinilig sa dalawang photos nina Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli na magkasamang nanood ng concert ni Ed Sheeran.

Parang nilanggam ang shot sa kanila dahil super sweet ang dalawa.

In one picture ay nakitang magkayakap ang dalawa habang nakatalikod sa camera. ‘Yung isang shot naman ay magka-holding hands sila habang naglalakad sa concert venue.

Hindi namin alam kung naroroon din si Mommy Divine pero mukhang wala naman siya. Pero for sure, mayroong bodyguard si Sarah. Until now kasi ay hindi siya puwedeng umalis na walang bodyguard, ‘no!

“infairness nakakakilig tong mag jowang to.”

“Mabuti nmn at pinayagan sila. kilig!”

“Kung yung iba. Travel together ang memories. Ito naman concerts. Lahat yata ng concerts present ang magjowang ere ah. Haha!”

‘Yan ang mga nakatutuwang comments ng fans ng dalawa.

Sa paglabas ng dating photo nina Sarah at Matteo ay pinatunayan nito na mali ang balitang break na ang dalawa.

Sa isang presscon ay nagulat nga si Matteo na may kumalat na chikang hiwalay na sila. He denied the rumor.

Ngayong naglabasan na ang dating photo nina Sarah and Matteo ay tiyak na matitigil na ang chikang hiwalay na sila.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …