Monday , December 23 2024

Marian, magtatrabaho pa rin kahit buntis na

ni Alex Datu

072914 marian rivera

NGAYON pa man ay kinukondisyon na ni Marian Rivera ang katawan sa kanyang pagbubuntis. At kung siya ang masusunod, tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya kahit magbuntis na.

Aniya, ”Kaya kong magtrabaho kahit pregnant na ako. Well, depende sa schedule, ayaw ko munang mag-jump doon kasi wala pa naman. Pero kung mayroon man, mabait naman ang GMA. Alam naman nila kung ano ang makabubuti sa akin.”

Inamin nitong masayang-masaya siya bilang Mrs Dingdong Dantes dahil paggising sa umaga ay ang guwapong asawa ang nakikita. Palagi niya itong binabati ng ’good morning dad!’ at si Dingdong naman, palaging sinasabing ’goodbye babes!’

Inamin din nitong ipinagluluto niya ang asawa kung malayo ang trabaho para may baon.”Simpleng tao lang ‘yun at alam n’yo, kung hindi ‘yun nag-e-egg, nagtitinapay, magyo-yogurt o nagko-coffe. Alam n’yo, ang coffee niyon, isinasawsaw ang tinapay, ganoon kumain ‘yun. Alam n’yo, nae-excite ako dahil ang dami kong nalalaman, ‘di tulad noon, parang nagsasawa na ako, paulit-ulit ang niluluto ko. Atleast, ngayon alam ko na kung paano.”

Bilang may buhay-asawa, may nadiskubre siya tungkol sa aktor, ”Mas sweet siya sa akin, promise. Talo pa ako. Sobrang sweet niya. Parang every morning, parang ipararamdam niya sa ‘yo na ikaw ang pinakamagandang babae,” masaya nitong tsika.

Isa pa sa kanyang nadiskubre sa asawa, ”Hindi siya seloso pero sasabihin niya sa ‘yo kung bakit nakikita ‘yung cleavage ko pero kinikilig ako kasi hindi naman siya ganoon,”pahayag nito sabay ang pagsagot sa tanong kung puwede pa rin siyang magpa-sexy sa cover ng glossy magazine.

“Sinong may sabing hindi, cleavage lang naman ang pinag-uusapan natin. At saka ano naman kami, compramise naman ako, parang lahat ng bagay na gusto niyang gawin at gawin ko, pinag-uusapan naman namin ng maayos pero kung hindi talaga, hindi pero kung ‘oo’ pero palagi kaming hald-way. Palaging hindi siya lamang o hindi ako lamang.”

Picture of a contented newly wed bride si Marian, prettier and sexier.

Sa interbyu naman kay Dingdong, sa ibang pagkakaton ay ikinatuwa namin ang pag-amin nito na hanggang ngayon kahit tapos na ang pulot-gata nila ay nagkakapaan pa sila.

“Nagkakapaan pa kami. Nasa period pa kami ng adjustment. Mahirap kasi sa dalawang tao na ngayon lang sila magkasama bilang mag-asawa at nakatira sa isang bubong. Maraming gagawing adjustment pero masaya.”

Maganda ang natututuhan ng aktres mula sa asawa nitong aktor na naging malaking tulong para mabura ang kanyang negative image noong bago siya maging Primetime Queen ng Kapuso, ”Ayaw ng asawa ko ng negative vibes. Kailangan palaging good vibes.”

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *