Sunday , December 22 2024

Lipa Mayor kinasuhan sa Ombudsman

 

031615_FRONT

ni JSY

SINAMPAHAN ng mga kasong administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ang Alkalde ng Lipa City at hinihiling ng mga nagreklamong nagmamay-ari ng lupa ang preventive suspension matapos mabatid na ‘pekeng’ abogado at hindi lisensiyadong broker ng lupa.

Sinampahan ng mga kasong administratibo si Lipa Mayor Meynard A. Sabili gaya ng grave misconduct, dishonesty at oppression/grave abuse of authority.

Bukod dito, sasampahan din ng kasong kriminal o Estafa si Sabili, batay sa nakasaad na pahayag ng mga nagreklamong sina Oscar Camerino, Efren Camerino, Dionisia Enriquez, Gerardo Enriquez, Conrado Enriquez, Bernardo Enriquez, Ramon Enriquez, Virgilio Enriquez, Mildred J. del Rosario, Nick del Rosario at Nielbert del Rosario pawang mga residente ng Victoria Homes, Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Batay sa sinumpaang salaysay ng mga nagreklamo, sila ang nagmamay-ari ng tatlong parsela ng lupa na may sukat na 30 ektarya na matatagpuan sa Victoria Homes, may Transfer Certificate Title nos. 15895,15986 at 15897 sa Registry of Deeds ng Muntinlupa City.

Nagsimula umano ang transaksiyon ng mga nagreklamo laban kay Sabili nang magpakilala ang alkalde na isa siyang licensed broker at isang abogado na nag-alok sa kanila ng serbisyo.

Anila, sinabi ni Sabili na kaya niyang ibenta ang kanilang lupain, at nangako rin na aayusin ang kaso ng mga lupa na kasalukuyang may kaso sa Court of Appeals at Korte Suprema na inihain ng Springsun Management Systems Corporation, ang dating may-ari ng nasabing lupain. Nagsimula umano ang kaso noong taon 1983.

Dahil sa representasyon at matatamis na pananalita ni Sabili, nakumbinsi ang mga nagreklamo at napapirma sila sa isang memorandum of Agreement, noong Marso 11, 2010, na nagsasaad na gagawin ng Alkalde ang kinakailangan na depensa na may kaugnayan sa lupang ipinaglalaban nila, maging iyon ay bentahan, partisyon, o pag-aayos sa mga nakabinbing kaso sa lupa.

Lumipas ang matagal na panahon, hanggang sa kasalukuyan, walang nagawa si Sabili, at walang tulong na pakinabang na naibigay sa mga nagreklamo.

Noong July 15, 2012 nagtungo si Sabili nagtungo sa kanilang lugar, kasama ang may 30 lalaki na pawang armado ng malalakas na kalibre ng baril gaya ng M-16, sakay ng tatlong uri ng behikulo.

Naghamon at nagsisigaw umano si Sabili at ipinagmamalaki na mayor siya ng Lipa City at sinabing

kung hindi umano ililitaw ang hinahanap na si Oscar Camerino, dadanak ang dugo.

Dahil dito, nagsampa ng kasong grave threats ang mga tagabantay ng lupain sa pulisya ng Muntinlupa City at mula noon naging maingat sa kanilang seguridad ang pamilya Camerino.

Patuloy din umano ang pag-iikot at paghahanap ng mga hindi kilalang lalaki kay Camerino.

Taon 2014, nalaman ng mga nagreklamo na si Sabili ay hindi tunay na abogado base sa record ng Office of the Bar Confidant, Supreme Court.

Hindi rin isang lisensiyadong broker ayon sa certification na inisyu ng Professional Regulation Commission.

Ang panloloko ni Sabili ay patuloy na ginagawa umano sa mga nagreklamo at malinaw na ang alkalde ay may intensiyon na makibahagi ng limang ektarya sa kanilang lupain kaya nagsinungaling at nagpakilalang abogado at isang lisensiyadong broker matapos lumagda ang mga nagreklamo sa kasunduan o sa isang memorandum of agreement.

Sa sinumpaang testimonya ng mga nagreklamo, ang mga kasunduan at nilalaman ng MOA ay ginagamit ni Sabili para makuha ang limang ektarya, gayong wala naman siyang naitulong bukod pa sa natuklasan na siya ay impostor na abogado at broker.

Noong Nobyembre 24, 2014 naghain umano si Sabili ng sakdal laban sa mga nagreklamo sa Lipa City, gayong ang lupang nais na kunin ng Alkalde ay nasa poder ng Muntinlupa City.

Malinaw na ang pag-iinteres ni Sabili para sa lupain ng mga nagrereklamo ay malinaw na isang panloloko.

Anila, dapat managot si Meyor Sabili sa ilalim ng R.A. 315 ng Revised Penal Code of the Philippines, at bilang isang halal na opisyal ng gobyerno dahil ang mga ginawa umano ni Sabili ay labag sa itinatadhana ng batas alinsunod sa Section 90 ng R.A. 7160 o mas kilala bilang Local Government Code of the Philippines

Nakasaad sa anim na pahinang reklamo, si Sabili ay dapat panagutin sa kanyang kasinungalingan, makaraang magpanggap na abogado at lisensiyadong broker ng lupa at ginamit ang kahinaan ng mga magsasaka at bilang ordinaryong tao.

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *