Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Montes, secure sa piling ni Coco Martin

031215 julia coco

00 Alam mo na NonieKAHIT pilitin ng entertainment press, hindi mapiga sina Julia Montes at Coco Martin na sabihin kung ano na talaga ang lagay ng relasyon nila ngayon.

Madalas na magkasama sina Julia at Coco sa iba’t ibang projects kaya may ilang espekulasyon na posibleng nagkakaigihan na sila. Ngayon nga ay magkasama na naman sila sa magical summer series ng award winning fantasy-drama anthology na Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures na mapapanood simula sa March 22 (Sunday).

Aminado naman si Julia na komportable na siya kay Coco. “Talagang komportable ako, kapag si Coco ang kasama ko. Sabi ko nga na first time ‘yung mature na ibinigay sa akin na project, iyong Walang Hanggan, sabi ko, ‘Mabuti na lang siya i-yong nakatrabaho ko,’ May ganoong factor kapag siya ang katrabaho ko.

Umiwas namang sagutin ni Julia kung sa tingin niya ay mas nai-in-love na ba sa kanya si Coco ngayon, lalo’t napapadalas ang kanilang pagtatrabaho.

“Pero kasi talaga kay Coco, kapag kasama mo siya, ramdam na ramdam mo talaga na babae ka, na aalagaan ka niya…lahat. Hindi lang siya iyong kapag si-nabi mo na may camera or kapag may ibang tao kaya ka aalagaan. And hindi lang po iyon sa akin, talagang sa lahat po iyon.

“Napaka-gentleman niya at talagang ipararamdam niya sa iyo kung paano siya mag-care.”

Sinabi rin ni Julia na nagpapasalamat siya dahil sa magandang takbo ng love team nila ni Coco. “Nasisiyahan ako na ganito na kalayo ang narating ng CocoJul. Bunga na rin siguro ito ng ilang beses naming pagsasama sa pelikula at telebisyon. Kumbaga, iyong sa amin ni Coco, may foundation na at hindi na iyon mabubuwag,” saad pa ng Kapamilya star.

Kung si Coco ay isang treasure hunter dito sa Wansapanataym, si Julia naman ay bibigyang buhay ang diwatang si Tanya.

Tampok din sa Wansapanataym sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Arron Villaflor, Ryan Bang, Marlan Flores at Alonzo Muhlach. Ito ay sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado at sa direksiyon ni Avel Sunpongco.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …