Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, ‘di pa raw nakita ang mansiyon ni Coco

 

021915 coco martin  julia montes

00 fact sheet reggeeNANINIWALA kaming wala pang relasyon sina Coco Martin at Julia Montes dahil hindi pa pala naisasama ng aktor ang dalaga sa ipinagawa niyang bahay na ipinalabas na sa Kris TV at na-feature sa Yes Magazine.

Kasi ‘di ba Ateng Maricris kapag karelasyon mo na ang isang tao o kaya ay importante siya sa ‘yo ay sa kanya mo unang ipakikita o isasama mo sa bahay para makilala ng pamilya?

Eh, mukhang hindi pa nga nangyari tulad ng sabi ni Coco sa grand presscon ngWansapanataym Presents: Yamishita Treasure na hindi pa nga raw niya nadadala si Julia sa bahay niya.

“Honestly, sabi ko nga, siyempre, kasi ang hirap, eh, alam n’yo sa totoo lang, nahihiya kasi akong mag-invite. Siguro dahil sa hindi ako marunong mag-entertain.

“Kasi, hindi ko alam kung paano ipi-please ang ibang tao. Hindi ba parang matataranta ako, everytime na may darating, gusto ko i-entertain ko sila ng personal. Ayoko niyong parang dumating sila and then after that, ‘o bahala na kayo’.

“Matataranta ako. Sabi ko nga, paano kaya? Siguro, hindi ko lang personalidad. Kasi nga, ako nakapaka-private kong tao, eh. Pero honestly, gusto kong imbitahin lahat ng mga taong tumulong sa akin.

“Siguro, nasimulan ko na sa mga kaibigan ko o sa mga taong tumulong sa akin from indie (days), and then, ngayong nasa TV ako and mainstream, siyempre, gusto ko rin silang imbitahan doon para maging proud sila sa akin na dahil sa kanila, natuto akong ayusin ang buhay ko at dahil sa kanila, parte sila ng mga pangarap ko na nabuo ‘yung bahay na ‘yun,”paliwanag ng aktor.

Inamin ni Coco na tuma-timing lang siya at isasama nga niya si Julia kasama ang ibang taong naging parte ng kanyang buhay.
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …

Pokwang Apology brother

Pokwang ikinompara kaso ng kapatid sa isang maimpluwensiyang tao

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA ayaw pa ring tantanan ni Pokwang na maglabas ng kanyang saloobin hinggil …