ni Roldan Castro
MAY agawan na naman bang nangyayari sa TV coverage sa laban ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. sa May 2 sa Las Vegas?
Ayon sa aming source, nagkakaroon na naman ng isyu tungkol dito pero mariing sinasabi umano ni Manny na may kontrata siya sa GMA 7 at Solar TV. Madedemanda siya ‘pag nakipag-deal pa siya sa iba.
Totoo ba na bumabagabag kay Pacman ang agawan blues na ito sa TV coverage dahil may lumalabas na tsismis na ang kinakausap daw ngayon ng isang giant network ay ang pagsuporta kay Floyd Mayweather?
Puwede kayang ipalabas din sa isang network ang laban nila ni Manny na si Floyd naman ang kausap?
Hindi nga ba makapag-concentrate ang Pambansang Kamao sa kanyang pagpa-practice dahil sa isyung ito?
Paki-clear nga!