ni Roldan Castro
NAIKUWENTO nina Betong at Sef Cadayona na naging regular sila ng Bubble Gang simula noong mawala si Ogie Alcasid. Parang 11 silang naging regular ng show kasama sina Mikael Daez, Chariz Solomon, ‘yung mga bagong gang atbp..
Nagpapasalamat ba sila na umalis si Ogie sa Kapuso network?
“Hindi naman,” sey niya.
Noong nandoon si Ogie ay guest pa lang sila. May advantage ba ang pagkawala ni Ogie?
“Hindi naman po. Blessings lang kasi noong time na nandoon si Kuya Ogie, hindi ko naman ikinu-consider na semi-regular ako pero tuloy-tuloy ang guesting ko. So, siguro six months ako bago umalis si Kuya Ogie, so, hayun kasama ako.
“At saka lagi kaming magkasama ni Kuya Ogie. May basketball kami every Sunday. Never nawala ang bonding kay Kuya Ogie,” pakli ni Sef.