Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 adik sinunog ang sarili (Isa napraning, isa pa nabuang)

092514 fire dead

SINILABAN ng dalawang lalaki ang kanilang sarili nang mawala sa katinuan dahil sa pagkagumon sa droga sa magkahiwalay na lugar sa Las Piñas City at Pasig City kahapon.

Sa Las Piñas City, wala nang buhay nang matagpuan si Marlon Balse, 32, sa loob ng kanyang kwarto sa dalawang palapag na bahay sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos.

Ayon sa imbestigador ng Las Piñas Fire Department, natagpuan ang bangkay ni Marlon Balse, 32, sa pintuan ng kuwarto sa bahay na pag-aari ng isang Imelda Calpe.

Napag-alaman mula sa mga kaanak, nitong Sabado pa ng gabi nagkukulong sa kuwarto ang biktima. Nakagamit anila ang biktima ng ilegal na droga.

Sinasabing hinarangan ng biktima ng mga upuan, mga gamit at iba pang kasangkapan ang pintuan.

Nang mabuksan ang kwarto, tumambad ang bangkay ni Balse.

Dakong 9:15 a.m. nang magsimula ang sunog at naapula makalipas ng 30 minuto. Umabot lamang ito sa ikalawang alarma.

Dagdag ng imbestigador, lumalabas na sinadya ang sunog.

Samantala, nalapnos ang katawan at wala nang buhay ang isang 57-anyos lalaking kalalabas pa lamang sa drug rehabilitation center makaraan silaban din ang kanyang sarili sa Pasig City.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Galco, nakatira sa 194 Pagasa St., sa lungsod.

Dakong 10 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima na sinikap iligtas ng mga kapitbahay mula sa nasunog na bahay.

Sinabi ng live-in partner ni Galco na si Lucila, kalalabas lamang ng biktikma sa rehabilitation center dahil sa pagkagumon sa droga.

Ayon sa imbestigasyon ni FO2 Chester Pangilinan, dakong 9:15 a.m. nagkulong ang biktima sa kwarto habang hawak ang itak at posporo.

Sinabi aniya ng biktima na may humahabol at gustong pumatay sa kanya, at huhulihin siya ng mga pulis.

Ilang araw na aniyang hindi natutulog si Galco at tila nasisiraan na ng bait dahil nagsasalitang mag-isa. (JAJA GARCIA/ED MORENO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …