ni Alex Brosas
ANO ba itong si Vilma Santos, mayroong pinipili.
Nalaman naming inisnab nito ang Pinoy military retirees na nagpunta sa Batangas para sa isang tour.
Excited pa naman ang retirees na makita siya lalo pa’t nag-host siya ng lunch for them. Kaya lang, isang araw bago ang lunch ay nasabihan ang organizer na hindi sila mahaharap ni Ate Vi dahil may sakit daw ito.
Ano raw? Eh, two days bago pa ang lunch na ’yon ay um-attend pa siya ng isang award-giving body event, ‘no! Ano ‘yun, bigla siyang nagkasakit? Parang ang hirap namang paniwalaan niyon, ‘no.
Anyway, ang vice governor na lang daw ang nag-asikaso sa Pinoy retirees na mula pa sa US.