Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utang ni Nora kay Coco, bayad na kaya?

ni Roland Lerum

022315 coco martin nora

INAMIN ni Nora Aunor sa isang interbyu na may pagtingin na siya kay Vilma Santos noon pa.

“Crush ko siya talaga noon. Bumibili pa nga ako ng bulaklak noon para ibigay sa kanya. Pinanonood ko rin ang mga pelikula niya noon gaya ng ‘Ging’ at ‘Trudis Liit’.”

Hindi namin alam kung bakit nagkuwento pa ng ganito si Ate Guy komo’t ipinalabas kamakailan ang restored T-Bird at Ako sa UP Theater.

Wala nang problema si Nora kay Coco Martin na inutangan niya ng malaki at ipinamalita naman nito. Nagkapatawaran na sila nang magkita sa Gawad Tanglaw awards night. Ewan kung bayad na ang utang niya. Kaya siguro idinaldal ni Coco ay hindi pa siya bayad completely. Heto nga’t pinoproblema ngayon ng superstar ang kanyang nakatakdang pagpapa-opera ng lalamunan para makakanta siyang muli. Sa Boston Hospital sa Massachuserrs USA ito gagawin.

At dahil dito, umayuda naman sina Boy Abunda at Kris Aquino. Sasagutin ni Kuya Boy ang gastos sa operasyon. Si Kris naman sa air fare. Kaya nga hindi maitago ang katuwaan ni Bulilit star sa The Buzz.

Ayaw pa sana niyang mag-guest dito. Buti na lang nagbago ang isip niya. Eh, ‘di pinangakuan siya tuloy nina kuya Boy at Tetay ng tulong!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …