Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, inakusahang manggagamit

ni Alex Brosas

031015 jasmine paulo

SUPER imbiyerna si Paulo Avelino sa bashers niya kaya naman nagpatutsada siya sa kanyang Twitter account.

Halatang napikon si Paulo nang ma-bash siya matapos kumalat sa social media ang dinner date nila ni Jasmine Curtis Smith. Dahil sa naglabasang pictures nila ay sumama ang image ni Paulo na inakusahang ginagamit lang si KC Concepcion at ngayon naman ay si Jasmine.

“Ang kitid lang talaga ng utak ng ibang tao.”

‘Yan ang post ng hunk actor na sinasabing patama sa mga detractor at bashers niya.

“Why are you mad?,” tanong ng isa niyang follower. Pero kaagad nag-deny ang actor na galit siya at sinabing, “I’m not. It’s kind of funny actually.”

Actually, hindi naman daw talaga dinner date ‘yon nina Paulo at Jasmine. Marami silang magkakasama and that dinner came after shooting their indie film. Tila na-crop ang pictures at parang pinalalabas na dinner date nilang dalawa ‘yon ni Jasmine, bagay na ikinainit ng ulo marahil ni Paulo kaya siya nagpatutsada sa Twitter.

Eh, bakit naman kailangang mapikon ni Paulo, eh, kasimple namang intriga lang ‘yon. Ayaw ba niya ‘yon, parang ang yummy-yummy niya at maraming nababaliw sa kanyang babae?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …