Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Toni at Direk Paul, sa Hunyo 12 na

 

020515 Paul SorianoToni Gonzaga

00 fact sheet reggeeKOMPIRMADONG sa Hunyo 12, 2015 na ang kasal nina direk Paul Soriano at Toni Gonzaga.

Nasulat namin kamakailan kung sino ang tatahi ng wedding gown ni Toni, ang American Fashion Designer based in New York na si Vera Wang na nabanggit sa amin ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Si Vera Wang ang napili nina Toni at Paul na tatahi sa wedding gown at hindi ang kababayang Pinoy na si Monique Lhuillier na nasa Los Angeles, California.

“’Yun kasing katawan ni Toni, maliit ang built kaya bagay sa kanya ang mga gawa ni Vera Wang, ‘am sure ito rin ang payo sa kanya ng lahat,” say ng taong malapit sa pamilya Gonzaga.

Bakit Hunyo 12 ang napiling petsa.

“Kasi araw ng kalayaan ni Toni, kasi for so many years nakapisan siya sa magulang niya at sa kasal lang nila ni Paul siya totally mahihiwalay sa magulang. Kaya may konek,” biro sa amin ng taong malapit sa pamilya ng ikakasal.

Sa simbahan ng Taytay, Rizal ikakasal sina Toni at direk Paul tulad ng unang napag-usapan at ang sumunod na tanong namin ay saan ang reception?

“Wait, I’ll ask pa, I forgot to ask,” say sa amin.

Hmm, hindi kaya batukan na ako nina direk Paul at Toni Ateng Maricris dahil nauna pa akong mag-announce? Marami pang kasunod, he, he, he.

 

ni REGGEE BONOAN

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …