Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inday Bote ni Alex Gonzaga, iba sa movie noon ni Maricel Soriano

Alex gonzaga maricel soriano Inday bote

00 Alam mo na NonieKAABANG-ABANG ang bagong serye ng ABS CBN na Inday Bote na pinagbibida-han ni Alex Gonzaga. Isa itong TV series na puno ng mahika at matinding special effects na magsisimulang mapanood nga-yong Lunes (March 16).

“Swak na swak para sa buong pamilya ngayong summer ang kuwento ng Inday Bote. Dito po kasi sa teleserye, mas makikilala ng viewers si Inday bilang tao, anak, kapatid, at bilang isang babaeng umiibig.

“Siguradong maraming matututunan ang mga kabataan sa kuwento ni Inday dahil para sa kanya, walang mahirap sa taong may pa-ngarap,” saad ni Alex ukol sa TV adaptation ng Kapa-milya Network ng sikat na komiks na isinulat ng bete-ranong novelist na si Pablo Gomez. Nabanggit din ni Alex na kakaiba ang TV series niyang ito sa pelikulang pinagbidahan noon ni Marciel Soriano. “Diamond star siya at isang mala-king karangalan sa akin na gampanan ang isa sa mga roles na sumikat siya.

“Pero, ibang-iba naman kasi ang treatment ng karakter ko rito sa Inday Bote. Itong pantaserye namin ay base sa komiks serial, samantalang iyong sa kanya ay naging hit sa pelikula.

“So, kung naikokompara man kami, siguro it’s because of our affinity to the project. Pareho kaming Inday Bote. Kung nagiging inspirasyon man siya sa akin, it’s because legendary siyang artista na gusto ko ring maabot ang kasikatan at galing,” esplika pa ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Makakasama ni Alex sa Inday Bote sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.

Kokompleto sa powerhouse cast ng Inday Bote sina Aiko Melendez, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo at ipinakikilala si Alonzo Muhlach. Ito’y sa direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …