“Kapag nagkukuwentuhan kaming mag-asawa (Mariel Rodriguez), sinasabi ko parati na ‘siguradong mauuna ako sa ‘yong papanaw kasi mas matanda ako’, pero parati niyang sinasabi na, ‘hindi pahahabain ko ang buhay mo, hindi pupuwedeng mauna ka’. Minsan talaga nagiging corny kapag in love ka.
“Kaya ang naging solusyon ay take organic. Ganyan ang mga ginagawa sa mga first world country, organic na talaga sila at talagang healthy living sila.
“Si Mariel, noong first year naming dalawa, talagang pinag-aaralan muna namin kasi wala ka pa naman alam so bumibili pa lang.
“Second year, nagpupunta na kami sa iba’t ibang bansa para pag-aralan kung ano ang organic, nakarating kami ng Sweden, Spain, kasi lahat ng tao roon, puro organic.
“’Yung third year namin, nagtatanim na po kami, into farming na siya ngayon. Ganoon na po kami kaseryoso sa organic. Kaya noong dumating itong offer, Askof, nagulat kami kasi organic, eh, nag-aaral pa si Mariel sa General Santos City, sa Saranggani, eh, mayroon naman pala sa Nueva Ecija, one-hour and a half lang sa Maynila.
“‘Yung ginagawa po naming (organic) ay para humaba ang aming love story (pagsasama), organic na pamumuhay,” mahabang salaysay ni Robin.
At ang mga nabago na raw sa buhay nila ni Mariel simula ng nag-organic sila ay, “noong panahon ng ako’y nasa kadiliman dahil sa droga, buwan-buwan yata ay nasa hospital ako, bata pa ako noon.
“Eh, ngayon ho (may edad na) mula ng mag-organic ako, wala kayong mababalitaang na-ospital ako.
ni REGGEE BONOAN