MAGANDA ang bagong inilahad na programa ng Kapatid Network o TV5 na magtatampok bilang host kina Ogie Alcasid at Venus Raj, at Mico Aytona bilang roving reporter, ang RisingStars Philippines na matutunghayan na sa March 14.
Ang RisingStars Philippines ay isang naiibang konsepto at bagong paraan ng kinahihiligang gawain ng mga Pinoy, ang kumanta at mag-karaoke. Imagine, sa pamamagitan ng pagre-record lamang ng awitin, sisikat ka na! Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, sali na.
Sa pamamagitan ng mobile app o website, kahit sino’y puwedeng kumanta. At sa mga hindi makakapasa sa initial screening, maaari pa rin silang sumali kailangan lamang irecord at isumite ang kanilang kanta para sa challenge entry laban sa sinumang current finalists para makuha ang slot nito.
“It’s a game changer of a talent show with unprecedented audience participation,” paliwanag ng Singapore-based Rising Stars Asia executive na siyang nakikipag-coordinating sa TV5 sa pagsasagawa ng show na ito sa ‘Pinas. “The format offers audience involvement through the Rising Stars mobile application and online platforms that aim to capture the Selfie Generation. We reach out to people by eliminating long lines because they can apply directly to us by mobile phone or computer. They just record themselves singing then upload it and send it to us as their entry. There are also Rising Stars recording booths in various malls in more than 20 cities nationwide where they can record themselves singing. Our target group is all classes, from A&B to C,D and E, aged 13 and above. They will be selected in a series of 12 regional contests and this has started even before the televised show itself starts on March 14. Through social media, friends and fans can vote and comment online.”
Magsisilbing judges naman sina acoustic singer/songwriter Jimmy Bondoc, Diamond Soul Siren Nina, at ang magaling na radio DJ/love guru na si Papa Jack.
Mapapanood ang RisingStar Philippines sa March 14, 9:00 p.m. sa TV5 tuwing Sabado at tuwing Linggo, 9:00-10:00 p.m.
ni Maricris Valdez Nicasio