Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karla at Melai, posibleng lumamang sa Your Face Sounds Familiar

ni Pilar Mateo

031215 Karla Estrada melai

THE sound of the face? The face with a sound? Nang isalang pa lang ang teaser ng pinakabagong programang mapapanood sa ABS-CBN simula sa March 14 and 15, ang Your Face Sounds Familiar abang na ang mga tao sa bagong Endemol franchised show!

Walong gustong tawagin ang mga sarili nilang classmates ang magbibigay saya sa manonood dahil kakayanin nilang gayahin mula ulo hanggang paa—pati na sa boses at kilos ang mga icon na matatapat sa kanila sa pipindutin nilang iconizer.

Ang takot ng lahat—dahil involved na naman ang text votes dito eh, baka matabunan na sila ng KathNiel fans ni Karla Estrada at ng PBB fans ni Melai Cantiveros.

Sabi naman ng dalawa, depende pa rin naman sa taas ng grades nila na points na iipunin nila ang magsasaad kung ‘til the end eh sila ang highest pointer. This time parang bonus na lang ang text votes dahil sa last night lang ito aariba!

Most of them are singers na—Karla, Jolina Magdangal, Jay-R, Nyoy Volante and Tutti Caringal. Sina Edgar Alan Guzman, Maxene Magalona and Melai can carry a tune naman daw.

According to Melai, “Kung nakilala man ako na nagpapatawa, rito hindi ako kailangang makitang ako. Kaya ang seryoso ko rito. Ang hirap-hirap nga. Kasi kung sino ‘yung gagayahin mo lahat ng kilos dapat ‘siya ‘yung makita sa ‘yo at hindi ikaw. Hindi ko naman alam kung nandyan pa ang PBB fans. Baka expired o wala ng load,” natatawa nitong sagot.

Natuwa lang kaming pagmasdan ang hanay ng iho-host na programa ni Billy Crawford.

Akala ko naligaw ako ng network. They’re all dubbed now as Kapamilya! And kitang-kitang they will shine brighter, ha! May show na agad-agad!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …