Tuesday , August 12 2025

JM, sobrang saya sa kinita ng That Thing Called Tadhana (Imbisibol, next indie movie)

ni Rommel Placente

020915 Angelica JM

HINDI makapaniwala si JM de Guzman na magiging blockbuster sa takilya ang pelikulang unang pingsamahan nila ni Angelica Panganiban, ang That Thing Called Tadhana.

Kumita ang nasabing pelikula ng P120-M sa almost one month na ipinalabas ito sa mga sinehan.

“Overwhelming ‘yung nangyari kasi hindi ko in-expect na ganoon siya kakagatin and sobrang thankful ako na part ako ng movie,” sabi ni JM sa panayam sa kanya ng push.com

Sobrang happy din si JM na nabigyan siya ng second chance sa showbiz pagkatapos niyang maligaw ng landas.

“Sobra po, parang wow. Parang hindi siya pinlano, parang ibinigay talaga siguro ni Lord.”

IMBISIBOL, NEXT INDIE MOVIE

Pagkatapos mapanood sa That Thing Called Tadhana, ay muli na namang mapapanood sa isang indie film si JM via Imbisibol, isa sa limang pelikulang kasali sa Sinag Maynila Filmfest na mapapanood sa lahat ng SM Cinemas simula March 18 to 24, 2015.

Ang kabuuan ng pelikula ay kinunan pa sa Hokkaido, Japan noong January ng taong ito.

“Story siya ng mga Filipino OFWs, ‘yung mga buhay nila, ‘yung challenges nila sa Japan noong ‘90s. Ang role ko tungkol sa isang OFW na bagong salta sa Japan,” kuwento ni JM tungkol sa bago niyang pelikula at sa kanyang role.

Ano ang kaibahan ng role niya sa Imbisibol kompara sa mga ginampanan niya na sa ibang mga pelikulang ginawa niya?

“Siguro mas true-to-life and we deal with kung ano ang pinagdaraanan ng mga Filipino sa ibang bansa.”

Marami nang nagawang indie film si JM pero hindi pa rin siya nagsasawa at titigil sa paggawa ng ganitong klase ng pelikula.

“Kasi sa indie, nandoon ‘yung mga brave na hindi mo makikita sa mainstream na stories and katulad ng ‘That thing Called Tadhana’, parang andoon din ‘yung mga bagong director and writer na magagaling. So, gusto ko rin sila makatrabaho at gusto ko pang matuto.

“Magandang ground ang indie para may matutuhan ako,” sabi pa niya bilang pagtatapos.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

MaxBoyz Pedro Red Liza Soberano

Red ng MaxBoyz gustong makatrabaho si Liza

RATED Rni Rommel Gonzales MIYEMBRO ng all-boys sexy group na MaxBoyz si Red na noo’y nakilala at nainterbyu na …

Jak Robero Barbie Forteza Jameson Blake

Jak boto kay Jameson para kay Barbie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA si Jak Roberto sa pagsasabing bet niya o boto siya kay Jameson Blake para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *