NULL and void na ang kontrata ni Sharon Cuneta sa TV5 na magtatapos sana sa 2016.
Nang matapos ang comedy serye ni Shawie na Madam Chairman sa Kapatid Network noong Pebrero 28, 2014 ay hindi na siya binigyan ng bagong programa.
At nabalitaan na lang na umalis na ang Megastar sa TV5 ng hindi tinapos ang limang taong kontrata.
Walang masamang tinapay na sinabi ang TV5 tungkol kay Sharon at nang tanungin ang TV executive tungkol sa iniwang kontrata ng aktres ay sinabing, “rescinding of contract” na ang ibig sabihin ay contract is cancelled o wala ng bisa.
Pinalipas muna ni Sharon ang isang taon bago siya bumalik sa ABS-CBN at noong Marso 9 ay pumirma na siya ng kontrata sa Kapamilya Network kasama ang bago niyang manager na si Ms Sandra Chavez, ABS-CBN President and Chief Executive Officer, Ms Charo Santos-Concio, Star Cinema Managing Director, Ms Malou Santos, ABS-CBN Channel Head, Ms Cory Vidanes, Entertainment program, Direk Laurenti Dyogi, newly appointed ABS-CBN Chief Operating Officer, Mr. Carlo Katigbak, at business unit head, Louie Andrada.
Per program basis ang kontrata ni Sharon at ang una niyang lalabasang programa ay Your Face Sounds Familiar bilang isa sa Jury kasama sina Jed Madela at Gary Valenciano.
”There’s really no place like home,” ito ang nasambit ni Sharon pagharap niya sa entertainment press noong Lunes.
At bilang welcome ay sinalubong naman siya ng masigabong palakpakan ng media at sabay sabing, “there are no words to describe how happy I am. I’m very, very happy but parang hindi enough ‘yung word na ‘yun.
“I have no words for what I feel in my heart right now. This is overwhelmingly wonderful. Pagpasok pa lang, parang ‘hay, nakauwi na rin’. Pag-uwi parang walang nagbago sa mga kapamilya mo.”
Nabanggit ng megastar na hindi siya nawalan ng komunikasyon kay Ms Charo at ibang executives ng Dos.
“We never lost touch but not once we ever talked about it nila Tita Charo, Tita Cory, Tita Malou (Santos).
“But not once that we ever talked about work kami nina Tita Charo, Tita Cory, Inang Olive (Lamasan).
“I’ll just say Tita Charo was one of the first to know na (wala na sa TV5). Wala pang may alam na wala na ako sa nilipatan kong station, alam na ni Tita Charo.
“It was most touching to me na there was no question that I would come back. I remember telling them na, ‘I’m coming home?’ ang sagot agad nila, ‘Of course!
I DON’T BELONG ANYWHERE ELSE
“It was very touching because I was very humbled by my experiences in the last three years. To be welcome home with open arms and heart, parang walang nagbago. Parang andito lang ako last week. There’s really no place like home. I don’t belong anywhere else.
“Feeling ko parang magbabakasyon lang. Pumunta ako ng States pero gusto ko umarte, gusto ko mag-movies, gusto ko mag-drama. ‘Yung creative juices ko parang kinulong. You built a career over four decades and this is not the way to go out. I want a graceful exit for my Sharonians.”
PAGSISISI SA PAGLIPAT SA TV5?
Sa tanong kung may pagsisisi ba si Shawie sa paglipat niya sa TV5, “I can’t say I regret a hundred percent because I made friends in the other station, I was able to do comedy and I met fun loving co-stars. Pero I was a fish out of water.
“Tapos parang pagpasok ko kanina rito, I’m breathing again normally parang nakauwi ka na, nakakahinga ka na ulit.”
At tungkol naman sa pagbabalik niya sa pag-arte, “I see myself doing a teleserye. At this point, I am in the best hand I’ve ever been in. I am in the hands of people who care for me; love me, I’m very grateful for this opportunity. I’m happy to be back. I know what ever I will be doing will be well thought of.
“Everything else that comes in my way, I know, will be well thought of, will be as ready as anything before it’s presented to me.
“I’m excited to be doing so many other things. I wanna do acting, singing, whatever else I haven’t done on TV. Remember, I still haven’t done a drama series. That is my thing,” kuwento ng aktres
HINDI NA NAMIMILI NG MAKAKASAMA SA PROJECT
At hindi na namimili ngayon si Shawie ng makakasama sa mga project niya.
“Lahat sila welcome. Gusto ko lang ipaalam na kung hindi po natuloy, sila ang umayaw!” birong saad ng aktres.
At sa tanong kung type niyang makasama sa iisang project ang mag-ama niyang sina Gabby Concepcion at KC.
”You know, at this point, I feel like I’m open to anything. I’m open to work with anyone, with KC, former leading men, ex-husband. At this point, I’m very open to anything.
“But I think, for my first teleserye, I’m not so excited for a love team muna or something with my daughter.
“Parang it will all come later, parang let’s try to come back muna,” pahayang ni Mega.
At sa tanong kung okay din si Piolo Pascual na makasama niya na ex-boyfriend ng anak niya?
“Noong tinanong sa akin, siyempre I said happy ako, kasi I’ve been humbled.
“Everything is in the past. Hindi lang naman siya ang nasaktan, kami rin naman.
“I hope na when you write about it, ‘yung neutral.
“Ayaw kong may mag-accuse sa akin na nanggagamit ako kasi tinanong lang naman ako. I just like to say that I’m open to working with anyone (kasama na si Paulo Avelino).
IRE-REVIVE ANG SINGING CAREER
May plano ring i-revive ni Sharon ang kanyang singing career.
“I might produce my albums. So my children can own some of these also. Dahil 40 years wala akong pag-aari sa kahit anong nagawa ko! It will be release hopefully by Star Records or another company,” kuwento ni Mega.
At kung dati ay pikon siya sa mga basher niya sa social media ay hindi na raw ngayon.
Kaya siya aktibo sa social media ay para, “well, to keep in touch din to my supporters. I’d still be the same.
“Actually, what happened then is na-shock ako, eh. Ganito ba ang mga bata ngayon? ’Yung walang respeto? So pagdating sa Twitter, ko, ‘My God! Ang mga batang ito ang babastos! So para kang mommy na gusto mong paluin, eh, you can’t win so I chose na lang to focus on those who love me talaga and supporting me.
“The things huwag mo na lang basahin lahat! You can’t please everybody but I am better to express myself sa Facebook page. Kasi nakaka-type ka ng mahaba, nakakakita ka ng reaction. Tapos ’pag may nakita kang masakit, ’yung mayroong nanggugulo, delete! Ha, ha, ha, I’m not proud of that thing pero tao lang.”
40 LBS. NA ANG NABAWAS SA TIMBANG
Umabot na pala sa 40 lbs. ang nabawas kay Sharon.
Natawang kuwento nito, “you cannot believe how big I became especially after ’yung wala ng taping, ’yung wala ng (work), I had no work, so ’yung kulang na lang hanapin ko si Kiko (Pangilinan) kasi baka nalunok ko na.”
At sa kasalukuyan niyang sitwasyon ngayon ay kailangan pa rin niyang magbawas ng 15 lbs. para makamit ang pangarap niyang maging bold star.
ni Reggee Bonoan