ni Alex Brosas
ANG tingin namin ay parang tinipid ang major cast sa bagong teleserye nina Marian and Dingdong Something.
Easily, kapuna-papuna na walang masyadong malaking pangalan sa lead support sa bagong soap opera ng magdyowa. Parang tinipid sila sa casting ng kanilang teleserye.
Si Ms. Gloria Romero lang ang malaking pangalan sa support cast sa soap ni Marianita,ang lahat ay pawang so so lang like TJ Trinidad, Luis Alandy, Al Tantay, Sheena Halili and Mike Tan.
Ito rin ang scenario sa new Dingdong soap. Walang namedroppables sa major support cast led by Sunshine Dizon. Gabby Eigenmann, Rap Fernandez, JC Tiuseco, Chanda Romero, Luz Valdez and Dexter Doria.
Bakit nangyari ito? Hindi ba’t Primetime Queen and King sina Marianita and Dingdong Something? Bakit parang tinipid naman ang major cast ng soap opera nila?