majaIsa si Maja Salvador sa hottest stars ngayon sa Kapamilya network. Isa sa matagal nang nagtitiwala at bilib sa kakayahan ni Maja ang owner ng Megasoft Company na si Ma’am Aileen Go. Kaya isa ang kompanya nila sa kumuha noon sa aktres para maging image model ng kanilang product. This year ay masayang-masaya si Ma’am Aileen at ang husband na si Mr. Emilio Go dahil pumayag si Maja upang maging endorser nilang muli ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner na mabentang-mabenta pala sa Visayas at Mindanao at ngayon ay humahataw na rin sa Mega Manila. Sa grand launch ng produkto last Feb 27, na ginanap sa Uno Seafood Palace Resto sa Greenhills, ay kitang-kita ang pagiging supportive ni Ma’am Aileen kay Maja at parang anak na niya kung ituring dahil labs na labs talaga niya ang magandang singer actress. Sobra pala ang pasasalamat ni Maja sa muling pagkuha sa kanya ng Megasoft Company. Kuwento ng petite actress, sobrang nag-enjoy siya sa Omnibus campaign shoot ng ini-endorsong produkto na may titulong “I Heart Sisters” dahil kakaiba at bago ang concept na ayon kay Ma’am Aileen ay group effort ng Megasoft at Big Boy Productions. Naaliw ang press at marami ang nakare-relate specially girls sa ipinakitang ads. Ang problema ng mga babae kapag may buwanang dalaw ay maayos na naipresinta sa iba;t ibang antas sa buhay. Ilan sa mga nakasama ni Maja sa Ad campaign na ito ay nars, maestra, lesbian at pati babaeng Muslim ay pumayag na i-share ang sikreto sa social media. “Importante na magkaisa kaming mga babae dahil pare-pareho ang mga pinagdaraanan namin. Bata, matanda man, mga babae kami na iisa lang ang mga nagiging problema,” sey pa ni Maja. “Kaya maganda ang ginawa ng Sisters dahil nalalaman na ng marami kung ano ang nagaganap sa amin physically, emotionally at mentally. Kailangan lang namin na may makikinig at magbibigay ng payo,” dagdag niya.
Sa pagbabalik niya sa Megasoft, narito ang pahayag ni Maja. “Dapat ba akong tumanggi kay Ms. Aileen Go nang tawagan ako at gusto raw nilang muli kong i-endorse ang number one product nila, ang Sisters Sanitary Napkin?
“Mahirap tumanggi sa blessings at masaya ako sa muli nilang pagkuha sa akin. Dahil ibig sabihin may maganda akong nagawa sa kanila kaya salamat sa kanilang pagtitiwala.”
‘Yung pantyliner pala ng Sisters, ang paborito ni Maja kasi fresh pa rin daw ang pakiramdam niya kahit siya ay may period. Kahit daw ‘yung sister at mom niya ay gagamit na rin nito.
Para naman kay Ma’am Aileen, perfect choice talaga si Maja to endorse again their product sa market. “Tama lang ang naging desisyon naming kunin ulit si Maja to endorse Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners. Perfect siya sa product namin. We trust her capacity and capability bilang isang grown-up girl at bilang isang aktres. We salute her attitude and simplicity na hinahanap talaga namin sa endorser namin at nakita talaga namin ito kay Maja. Napaka-adorable niya. That pleasant personality, sobrang mahal siya ng kompanya. Ang gaan niyang ka-trabaho, wala kang maririnig sa kanya the whole time, abutin man ng madaling araw ang shoot, smile pa rin siya. Maja’s so professional that’s why siguro blessed siya sa kanyang career and we admire her a lot for that.”
Pagbibida pa ng lady boss ng Megasoft company sa Kapamilya actress. Samantala magkakaroon pala ng provincial tour ang Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners kaya abangan ninyo si Maja sa inyong lugar.
Ilan pa sa mga produktong gawa ng Megasoft ang CHERUB Baby Care, Grand Adult Diaper, TWINS Lampein-Comfort Baby Diaper, SUPER TWINS Premium Baby Diaper at ang bago nilang FASCLEAN Laundry Powder.
Ang maganda ay quality na, mas mura pa sila ng 20 to 25% kompara sa ibang sanitary napkins sa market.
ni Peter Ledesma