ni RHONNALD SALUD
Akmang titirahin ng forehand drive ni Table Tennis Association of tne Philippines (TATAP) Vice President ARNEL BERROYA ang paparating na bola sa tagpong ito sa isang public table tennis demonstration/exhibition na ginanap kamakailan sa New Pasig Table Tennis Club (NPTTC) at sa San Ildefonso Parish sa Makati City.
Nagpamalas si Berroya ng iba’t-ibang klase ng paghawak sa raketa tulad ng orthodox grip (shakehand), unorthodox grip (seemiller grip or one face grip) at pen grip o mas kilala sa tawag na ‘’penhold’’.
Si Berroya ang itinuturing na kauna-unahang ‘’Best Filipino Penholder’’ dahil sa uri ng kakaibang paghawak niya sa raketa ng table tennis na katulad ng paghawak at paggamit sa raketa ng mga Chinese, Japanese at Korean penholders, ilan sa mga bansa sa Asya na kinikilala bilang pandaigdig na kampeon sa larong Table Tennis.