ni Alex Brosas
WALA pa ring makatatalo kay Nora Aunor.
Siya ang itinanghal na Best Actress sa katatapos na Star Awards for Movies ng PMPC. She won for her very effective portrayal in Dementia.
But before that, si Ate Guy ay gumawa na naman ng history nang maka-tie niya ang kanyang sarili sa Gawad PASADO. Naka-tie ng Superstar ang sarili for Dementia and Hustisya. Talagang history ang ginawa niyang iyon.
Si Nora rin ang minsan nang nanalo ng Best Performer sa isang award-giving body. Walang Best Actress, walang Best Actor, Best Performer lang ang pinaglabanan, meaning to say ay naglaban-laban ang mga actor at aktres sa isang kategorya. Si Ate Guy ang nag-uwi ng tropeo.
With that, talagang walang makatatalo kay Ate Guy. Wala pa rin talagang binatbat si Ate Vi (Vilma Santos).