ni Ed de Leon
HINDI mo masasabing hindi magiging matindi ang competition diyan sa Hindi mo masasabing magkakaibigan naman sila at puro professionals. Hindi mo rin masasabing kasi iyon namang premyo ay ibibigay din sa kanilang choice ng charitable institution at hindi naman sa kanila, o sabihin pang talagang hanggang talent fee lang naman silang talaga roon.
Pero iyong manalo ang sino man sa kanila, dahil nagawa nilang gayahin ang ibang music icon ay napakalaking bagay. Una, mapatutunayan nilang may iba pa silang kakayahan bukod sa alam na ng fans na kaya nilang gawin. Ikalawa, maliwanag na mapatutunayan nilang maaari silang makipagsabayan sa mga international music icon. Malaking bagay iyon para sa isang artist.
Isa pa, kung titingnan mo ang kanilang line up, sina Nyoy Volante, Jolina Magdangal, Tutti Caringal, Jay R, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Melai Cantiveros, at maging si Karla Estrada, masasabi mong lahat iyan ilalaban nang husto ang kanilang career. Kaya huwag ninyong sabihin sa amin na iyan ay mananatiling isang friendly competition lamang hanggang sa katapusan. Tiyak na sooner or later magkakatalo-talo rin ang mga iyan.
Iba iyong mga artist eh. Ano man ang sabihin ninyo, mangingibabaw ang ego ng mga iyan. Hindi sila papayag na matalo na lamang ng ganoon.
Pero ngayon pa lang ay alam na nila kung sino-sino sa kanila ang may advantage sa laban. Kung talent ang pag-uusapan, mukhang nagkakaisa ang halos lahat sa kanila na lamang si Nyoy. Pero kung ang pagbabatayan ay ang lakas na makukuha sa mga text vote na 50% ng basehan sa panalo, sinasabi nila na lamang si Karla. Natural isipin nila iyon dahil nanay siya ni Daniel Padilla at natural lamang na siya ang suportahan ng fans ng anak niyang matinee idol.
Tingnan muna natin ang magiging labanang iyan na tatagal ng isang season. Palagay namin magiging matindi iyan.