EXCITED lahat ng media, both print and TV na nag-aabang kay Sharon Cunetakahapon sa 9501 Restaurant.
Bago mag-alas dose ay nasa ABS-CBN na si Sharon para sa contract signing niya para sa programang Your Face Sounds Familiar bilang isa sa Jury kasama sina Gary Valenciano at Jed Madela na parehong music icon sa industriya.
Bongga nga ang pagbabalik ni Mega sa ABS-CBN dahil habang ginaganap ang contract signing ay hinaharana naman ang mga naghihintay na entertainment press ng Philharmonic String Quartet na pawang awitin ni Sharon ang tinutugtog.
Eksaktong alas dos y media nang lumabas si Mega galing sa function room na roon sila nagpirmahan kasama ang bigwigs ng ABS-CBN.
Sa tatlong taong pagkawala ni Sharon sa Dos ay walang nakaaalam kung bakit siya umalis at lumipat ng TV5 dahil hindi naman siya nagsalita at maging ang management ay wala ring official statement.
Kaya naman natanong ang aktres kung ano ang natutuhan niya sa pag-alis niya sa ABS-CBN na ayon sa kanya ay, ”I’m home.”
Ang payo ni Sharon, “’pag mayroon kang tampo, hindi ‘yung dapat may ibang nagbi-bridge between you at ‘yung pinagkaka-tampuhan mo.
“Like ‘yung I have tampo here (ABS-CBN), which is really the real reason why I left, but it could have been fix, it was so simple pero iba ‘yung nakakarating sa kanila, iba ‘yung nakakarating sa akin.
“So now I know, why did I let go that trust for a minute, it was admittedly, a little stupid of me and a little selfish, I should have talk to the people that I thought kung sino ‘yung pinagtatampuhan ko kasi now, nagkaharapan noong nagmi-meeting kasi ‘yung lumabas, mali all the while ‘yung iniisip ko at mali rin ‘yung nakakarating sa kanila.
“Siguro from that experience, mas gusto ko na ‘yung kaharap ko (pinagtatampuhan) so you have to be able to express the feelings and listen also to what to say to other party especially if there’s a lot of love between you.
Matutong i-appreciate ang lahat ng blessings
“It was a very tiny reason, you know, parang hindi na dapat ganoon. Pangalawa, and the most important of all, I woke -up, more accurately God woke me up it was a painful awakening na parang reminded me and made me realize na all my blessings na nakasanayan ko, I had been more complacent about, so natuto akong mag-appreciate ng bawat biyayang dumating, like now, isine-celebrate ko bawat biyaya.
“Hindi na ako gumagawa ng desisyon ng nalilimot kong kumonsulta sa pagdarasal kasi tao lang tayo, nagkakamali kaya kapag may guidance ka anuman ang outcome, alam mong isinangguni mo kasi iyon ang gusto niya.”
Mapapanood na ang Your Face Sounds Familiar sa Marso 14 and 15.
ni Reggee Bonoan