ni Ed de Leon
ALAM ba ninyo kung ano ang hinihintay nila ngayong mapanood sa telebisyon? Iyong sinasabing sexy dance ni Maja Salvador doon sa seryeng magsisimula na sa Lunes sa Channel 2, iyong Bridges of Love. Sinasabi nila, magandang love story iyon, pero alam naman ninyo ang mga tao, lalo na iyong mahihilig sa controversy, aba ang inaabangan ay iyong pagsasayaw ni Maja.
Ang role kasi ni Maja ay isang babaeng naging star dancer sa isang club, dahil gusto niyang maipagamot ang kanyang ama. Sinasabing sexy talaga ang mga eksenang iyon, na ayon nga sa kanilang director ay inabot ng 15 takes. Pero siniguro naman nila na sexy lang iyon at hindi bastos. Sinabi nga ni Maja, hindi naman siya nagsuot ng mga kagaya niyong mga bikini na ginagamit ng mga night club dancer. In fact sinabi nga ni Maja na may suot pa siyang body stockings sa mga eksenang iyon.
Pero maski kami gusto naming makita iyon, kaya nga kailangan kaming umuwi ng maaga simula sa Lunes dahil magsisimula na iyang Bridges of Love, kasunod ng Forever More.