ni Alex Brosas
NAISPATAN sina Paulo Avelino at Jasmine Curtis-Smith na nagdi-dinner at maraming fans ang kaagad na nanghusga—na mayroon silang relasyon.
Kaagad na kumalat ang chikang si Paulo na ang ipinalit ni Jasmine kay Sam Concepcion. Ito ay matapos kumalat ang chikang hiwalay na si Sam kay Jasmine at noong una ay si Daniel Padilla naman ang sinasabing third wheel sa kanilang break-up.
Hindi naging maganda ang dating ng photo na magkasama sina Jasmine at Paulo. Nagmukhang boyfriend snatcher si Jasmine kasi ang alam ng marami ay magdyowa na sina Paulo at KC Concepcion kaya lang ay hindi nila ito inaamin.
Pareho rin ang comment kay Paulo, na isa itong manggagamit. Before ay si KC ang ginamit nito at ngayon nga ay si Jasmine naman.
“Paolo dear. Anne will smack you silly. Not only poor and unclassiy but with baggage as well. At least Sam is single and richer than you. KC was smart to use him for rebound,” say ng isang guy.
“Pinagkaisahan ba ang mga concepcion ?” tanong ng isang fan. He was referring to KC and Sam na parehong Concepcion ang apelyido.
“Bilis ni Paulo Avelino makahanap ng kapalit ni KC. That was fast. That was really really fast!” obserbasyon ng isang fan.
“Manang-mana sa ate si Jasmine. Infer ha magkamukha sina Paulo at Sam,”paniwala naman ng isa.