Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging TV5 executive ni Ogie, ‘di na tuloy

ni Roldan Castro

101514 ogie

AMINADO si Ogie Alcasid na nalungkot siya na wala na sa TV5 ang mga big star ng TV5  na sina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Edu Manzano, Lorna Tolentino atbp.. Silang dalawa na lang ni Derek Ramsay ang natitira.

“Kakalungkot din siyempre. Kami na nga lang ni Derek ang nandito kaya minsan ako na rin ang  nagbabalita, sa PBA ako na rin ang nagba-basketball. Ako na rin ang gumagawa ng weather report,” may birong sagot ni Ogie.

Siya na ang biggest star ng TV5?

“Maliit pa rin pero nakalulungkot, nakaka-miss nga sila, eh! But, sadyang ganoon, eh. Hindi ko alam ang puno’t dulo ng mga pangyayaring ‘yan, ‘di ba? Pero nakalulubgkot na wala na sila,” bulalas pa ni Ogie.

Sa palagay niya malaking factor ang bagong show niya sa Rising Star para makatulong na mag-rise ang TV5?

“Hindi pa,” diretsong sagot niya.

“Siguro..after the first season,” dugtong pa niya.

So, may second season ito?

“Of course. ‘Yung first season magpapakilala ka pa lang. Saan ka ba nanggagaling, ‘di ba sa baba?So, magra-rise rin kahit paano,” pakli pa niya.

Sinabi rin ni Ogie na hindi  na natuloy ang pagiging executive niya sa TV5 na ikinatuwa naman niya dahil nagkaroon siya ng time  sa family niya. Hindi raw siya na-depress. Ang plano kasi ay magiging head siya sa music division ng network.

Hanggang 2016  na ang contract niya sa TV5. Na-miss daw niya ang friends niya sa Bubble Gang at friends at boss  sa Kapuso Network. Pero committed daw siya sa ninong niya si Manny V.Pangilinan. Kahit anong mangyari ay tutulong siya. Sa ngayon ay naghihintay lang sila ng isang show na maghi-hit talaga pero sa ngayon nagkakaroon na ng porma na gusto nila  na maging happy network talaga na may sports, comedy, at may kaunting musical.

“Sabi ko nga, kailangan talaga pagtiyagaan,” aniya na daraan sa tamang panahon at hindi nakukuha ‘yan sa isang tulugan lang.

Anyway, magsisimu la na ang  bago niyang show sa TV5 na Rising Stars Philippines na tinawag nilang novel televised singing talent show. Mag-i-start ito sa March 14  Sabado at Linggo ng gabi from 9:00 to 10:00 p.m.  Co-host niya si Venus Raj.

Bongga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …