ni Vir Gonzales
MUKHANG hindi matatanggihan ng Megastar Sharon Cuneta ang alok ng politika. May pinagmanahan naman dahil matagal naging mayor ng Pasay City ang yumaong ama, si Pablo Cuneta.
Sana lang bago maisipang mag-politika ni Sharon, matuloy muna ang planong pagka-comeback sa ABS CBN.
Matagal- tagal ding naghahanap ng mga batikanag artista ang mga tagasubaybay ng Dos. Nagsasawa na raw sila sa paulit-ulit na mukha na napapanood sa telebisyon. Malaking sakripisyo din naman ‘yung paulit- ulit mong nakikita ang mukha na nagbabago lang ng palit ng damit at ayos ng buhok.
Matuloy din sana, yung planong kunin si Nora Aunor para sa Maalaala Mo Kaya?Nakasasabik namang makapanood ng mga premyadong artista, na matagal ng hindi napapanood.
Si Aga Muhlach nga nami-miss din sa ABS-CBN. Kahit nga sa komersiyal, paulit-ulit din ang mga mukhang nakakasawa nang mapanood.