ni Roldan Castro
BAGAMAT okey na si Melai Cantiveros kina Angelica Panganiban at John Prats pero wala sa utak niya na bumalik sa Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite. Mas okey daw ngayon na hindi natatali ang schedule niya at mas malaki ang kita.
Pero aminado siya na nami-miss niya ang samahan at saya sa naturang gag show.
Sa ngayon ay kasali si Melai sa bagong show ng ABS-CBN 2 na Your Face Sounds Familiar na magsisimula sa March 14.
Happy siya na nakabalik siya sa showbiz pagkatapos manganak. Kung halimbawang nagsara na ang showbiz, baka nasa Gensan na raw siya, nagbi-business dahil nakaipon naman daw siya.
Naging isyu ba sa kanila ni Jason Francisco na mas malaki ang kinikita niya?
“May project din siya. And hindi naman nagkakalayo ang suweldo namin. Ako naman thankful kasi hindi pa tapos ang ‘Two Wives’ dumating na ito,” sey niya.
Pareho sila ni Jason ng attitude ngayon na gustong-gustong umuwi agad pagkatapos ng taping dahil gustong makita agad ang baby nila.
Talbog!