ni Ed de Leon
NAKATATAWA si Aljur Abrenica. Panay ang reklamo niya noon na wala nang ginawa kundi paghubarin siya, pero ngayon panay ang labas sa internet ng mga picture niyang nakahubad.
Idinemanda niya ang GMA 7, na sinabi niyang wala nang ginagawa para isulong ang kanyang career kaya gusto na niyang makawala sa kanyang kontrata, tapos bigla na lang siyang bumalik at nagsasasayaw na naman sa TV, sa Channel 7 pa mismo. Halata, wala kasing ibang network na pumatos sa kanya.