ni Alex Brosas
ANO ba naman itong si Sharon Cuneta at mayroon pang countdown na nalalaman sa kanyang pagbabalik sa showbiz.
Ipinost ni Sharon sa Facebook ang kanyang nalalapit na pagbabalik, binigyan pa niya ng countdown ang kanyang fans.
Ang tanong, mayroon pa bang excited sa kanyang pagbabalik sa Dos bilang one of the judges daw sa Your Face Sounds Familiar?
“Siya talaga ang nag-countdown, ‘no? Bakit hindi na ba excited ang mga rati niyang fans? Hindi man lang ba siya i-introduce ng network na lalabasan niya?” pang-ookray ng isang guy.
“excited na excited siya, pero bakit parang siya lang? kahit noong binabasa ko rito sa fp ang post niya, hindi nakaka-excite sa totoo lang,” mataray namang comment ng isa pa.