Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rufa Mae Quinto hahataw sa Music Museum para sa “4 da Best + 1” comedy concert Kasama sina Candy Pangilinan, Ate Gay at Gladys Guevarra

022615 rufa mae quinto 4 da best

00 vongga chika peterLast year due to her health problem, hindi nakagawa ng maraming proyekto si Rufa Mae Quinto. Kahit may mga offer naman na dumarating sa kanya ay kailangang tanggihan ni Rufa dahil naging priority niya ang pagpapagamot sa kanyang breast na tinubuan ng bukol. Pero ngayong magaling na at okey na ang lahat, two weeks ago, ay muling humarap ang sexy comedienne sa entertainment press para ibalita na this year ay magiging visible na siyang muli sa kanyang career, hindi lang sa pag-arte kundi sa pagtanggap ng mga show sa bansa at abroad.

Bilang Buena mano ay mapapanood si Rufa sa two night comedy concert titled “4 Da Best + 1” kasama sina Candy Pangilinan, Ate Gay at Gladys Guevarra sa March 13 and 14 na gaganapin sa Music Museum. Kompletong dumating sa nasabing presscon ang apat na kasama, ang magiging director nila na pinaka-pioneer sa Comedy Bar na si Mamu Andrew De Real. Halagpakan sa katatawa ang press, dahil patawa nang patawa ang apat lalo na ang topic tungkol sa kani-kanilang mga lovelife.

Knowing Rufa, Candy, Gladys at Ate Gay na parehong mga bihasa na sa pagpagpapatawa ng crowd sa loob ng maraming taon, siguradong 101% ay maaaliw nang todo-todo sa kanila ang lahat ng magwa-watch ng kanilang much awaited show, na this time ay mas bigger, better and bolder kaya’t baka magkaroon pa ng repeat dahil ngayon pa lang ay bumebenta na ang ticket. Sa mga gusto pang bumili ng ticket ay pwede kayong tumawag sa SM Tickets sa 470-2222 at sa Ticket World sa 891-9999. Ticket price at 2,500-VIP, Patron-2,000 at Balcony 1500. Special guest pala sa 4 Da Best + 1 si Kim Idol at si Soc Mina ang magsisilbing musical director ng said concert.

Sa mga gustong mag-enjoy, aba’y watch ninyo ito gyud!

 

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …