ni Ronnie Carrasco III
TIYAK pinagpiyestahan na sa buong showbiz ang kontrobersiyal na 18th birthday celebration niJulia Barretto, what with her equally controversial guests na may kanya-kanyang eksena.
The occasion marked the long-anticipated reunion between Julia and her dad Dennis Padilla, at kung sino-sinoman ang mga may alitan who kissed and made up that night were only a sidebar to the main story.
Bilib din naman kami sa in-orchestrate ng mismong home network ni Julia, ang ABS-CBN, in making the father and-daughter reunion happen kahit halatang since the beginning ay isang malaking script ‘yon, na eto ang ipagagawa sa mga tauhan ng kuwento, and let these characters improvise their speaking lines.
Dinig namin, dalawa sa mga executive (whose name we’d rather not disclose) ng estasyon ang aligagang nangungulit kay Dennis to make sure na sisiputin nito ang debut ng anak.
At bakit nga naman hindi? An ABS-CBN insider volunteered na ang kasong isinusulong niMarjorie Barretto seeking the change of name para sa anak ay nagdulot ng negatibong epekto na nakaapekto sa career ni Julia.
‘DI NA BABAGUHIN ANG APELYIDO TO REDEEM HER LOST GLORY
Isa ring masasabing “scripted” ang 360-degree turn ni Julia na hindi na raw niya babaguhin ang kanyang apelyido in all her official documents, thus retaing Baldivia, Dennis’s surname. So, where does this leave Marjorie, na ayon sa kanya’y sariling desisyon daw ni Julia na tanggalin ang apelyidong Baldivia?
Ang sinasabing closest rival to fame ni Julia na si Liza Soberano is out of the question here. Magkaiba namang career path ang tinatahak nina Julia at Liza.
One thing’s for sure though, nasa advantage ngayon si Liza over Julia. At dahil dito, walang choice si Marjorie but to allow Julia adopt the name Baldivia labag man sa kanyang kalooban at isang malaking sampal man sa kanyang mala-monay na mukha.
But sadly for Julia, sumakay din siya sa gimik para gamitin ang kanyang ama to redeem her lost glory.
But did she?