Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga illegal na pasugalan at ang tupadahan sa Tondo Maynila

00 dead heatANG MGA ILLEGAL na bookies ng karera ng kabayo ay naglipanan pa rin sa loob ng Maynila. Kahit saan lugar ng Maynila mababalitaan may mga nag-ooperate ng mga illegal na pasugalan.

Ang mga lugar tulad ng Sampaloc,Tondo, Pandacan, Sta. Cruz, Malate, Ermita at Sta. Mesa ay lantarang makikita ang mga illegal na bookies ng mga kilalang gambling lord.

Balita pa na sa iban Off-Track-Betting Stations (OTBs) ay nag-ooperate na rin ang mga gambling lord ng kanilang mga illegal na bookies.

Isang dating horse owner ang pinaniniwalaang maraming butas o puwesto na illegal na bookies ng karera ng kabayo sa loob ng Maynila.

Inalisan ng lisensiya ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang horse na ito dahil sa operasyon at pagmamaneobra ng karera sa karerahan dito sa ating bansa.

Nang alisan ito ng lisensiya ay gumamit ito ng mga “DUMMY” na pangalan para sa kanyang mga kabayo upang magpatuloy ang kanyang illegal na operasyon.

Sinusuhulan nito ang mga tiwaling hinete ng malaking halaga upang sindikatuhin ang resulta ng karera.

Kumpirmado na nagkalat na nga sa buong Maynila ang mga illegal na bookies ng MAMANG ITO.

Bulag kaya ang mga Stations Commanders ng bawa’t presinto sa Maynila dahil hindi nila hinuhuli ang mga illegal bookies ng mga kilalang gambling lord na kanilang nasasakupan.

oOo

Isang pangalan LANIE na gambling lord na nagpapatakbo ng mga illegal na pasugalan sa kalahang Maynila ang tinaguriang REYNA na LOTTENG,EZ2 at BOOKIES ng KARERA ng kabayo.

Patuloy pa rin pinatatkbo ni Lanie ang kanyang illegal na lotteng EZ2 at bookies ng karera sa anim (6) na distrito ng Maynila na tinatayang may 500 kabuuan puwesto ito na bookies ng karera

Sa bookies naman ng EZ2 ay may 100 KABO. Balita ay super lakas daw itong LANIE sa MASA dahil kumpare niya ang engkargado ng MASA na alyas Domeng Demonyo at may blessing daw galing kay Major Irinco.
MALAKING TUPADAHAN SA TONDO

Tila isang malaking sabungan ang patupada ng dating konsehal na si Berting “Taga” Fajardo na matatagpuan malapit sa Barangay ng kanyang anak na si Chairman Bong Fajardo, Bgry. 19 Zone 2.

Ang patupada naman ni Chairman Randy ay matatagpuan sa compound ng kanyang bahay sa Franco st., cor. Pacheco st., Tondo, Maynila.

Araw-araw ang operasyon ng dalawang nasabing malalaking tupadahan sa Tondo at ito ay dinarayo ng mga BIGTIME na sabungero at may pa DERBY pa sila minsan.

oOo

Binabati natin ang come-backing horse owner ng si Mr. Alfredo “Reli” de Leon at ang kanyang mga pamilya.Sina jockey A.A.Rivera at J.B. Cordero nakakabalik lang nila galing sa abroad.

WELCOME BACK MGA CHOKORAN!

 

ni Freddie M. Mañalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …