ni Alex Brosas
MAPANGLAIT naman pala itong si Lea Salonga.
Sa kanyang latest Twitter post kasi ay sinabi niyang, ”Agree or disagree: mandatory IQ and EQ testing before giving someone Internet access. What do you think?”
Ang daming naloka sa message niyang iyon. Hindi nila akalain na ang highly educated and learned singer ay mayroon palang nakalolokang side—mapanglait.
Siyempre pa, walang nag-agree sa kanya, ‘no. Sino ba naman ang matinong tao ang kakampi sa kanyang suggestion na iyon na very discriminatory.
Actually, na-hurt nang husto si Aling Lea sa mga comment sa kanya. Marami kasi ang imbiyerna sa kanyang mga ipino-post na messages kaya ang ginagawa na lang nila ay bina-bash nila nang husto ang singer.
Alam mo, Aling Lea, kung galit ka sa bashers mo ay tigilan mo na ang Twitter o Instagram. Kung pikon ka, hindi para sa iyo ang social media.
Ang gusto mo kasing mangyari ‘yung taong matataas lang ang IQ and EQ o ‘yung mga nakapag-aral lang at matatalino ang gusto mong magkaroon ng access sa internet. Ano ka, sinusuwerte? Parang hindi ka nag-iisip. Parang hindi ka nakapag-aral. No wonder, ang daming galit sa ‘yo.
Kailan kaya matatanggap ni Aling Lea na ang mga tao sa social media ay iba’t iba? Nakapag-aral ka naman pero bakit parang hirap kang intindihin iyon?