ni Alex Brosas
HALATANG matinding damage control ang ginagawa ni Julia Barretto.
Aware ang mga taong nasa paligid niya na bumaba ang kanyang kasikatan simula nang maging nega ang image niya dahil sa pinaggagagawa niya.
Lacking of sincerity ang pakikipagbati niya sa father niyang si Dennis Padilla. Matapos niyang isnabin ang kanyang ama sa isang party ay biglang sinorpresa niya si Dennis nang bisitahin niya ito sa taping niya.
Kasunod naman niyon ay biglang in-announce niya na hindi na niya ida-drop ang apelyido ng ama niya.
She’s also trying to reach out to Claudine and Gretchen Barretto. Inimbitahan niya ang dalawa sa debut niya. Si Claudine mukhang aapir pero malabo si La Greta dahil nasa abroad ito sa araw ng party niya.
Obviously, damage control ang lahat ng pinaggagagawa ni Julia na from a promising star ay naging nega star.