ni Ambet Nabus
AS a person and as an actor, saludo talaga kami lagi kay Jericho Rosales.
Bukod kasi sa very consistent itong makitungo ng parehas sa mga friend niya sa media, nagagawa pa nitong ipaunawa lagi sayo ang ‘craft’ at ‘dedication’ niya as an actor.
“Para laging may bago ‘noy (paboritong tawag nito sa amin na pinaigsing Manoy or kapatid sa Bikol). Mahirap ‘yung ikinakahon mo ang sarili mo sa iisang atake. Parang sa totoong buhay lang ang isang role. Iba sa umaga, sa tanghali, sa hapon o gabi ang adjustment mo sa mga bagay-bagay,” sey nito noong makapanayam naming saBridges of Love presscon.
Looking forward daw siya sa lahat ng magiging eksena niya sa soap lalo pa’t nakatrabaho na niya ang iba rito.
“Si tatay Edu (Manzano), grabeng tension at kaba ang ibinigay niya sa akin dati sa ‘Tanging Yaman’. He was my very domineering father then at talagang sleepless nights ‘yung mga ka-eksena ko siya noon. Kaya nga sa ‘Bridges’, ang sarap abangan ng magiging mga eksena namin,” pahayag ni Echo.
High praises din ni Echo si Maja Salvador na tsika niyang “best choice” sa role ni Mia na una palang inialok kay Anne Curtis.
“She’s a great actress. Magaling pang sumayaw na bagay sa role niya. Kung sa ‘Legal Wife’ ay ako ang hinahabol niya, rito ay ako ang humahabol sa kanya,” natatawa pang sey ni Echo.
At bilang siya ang kuya ni Paulo Avelino sa soap na eventually ay makakabangga niya kay Maja at sa buong kuwento, ”ibang atake rin siyempre. Nakikita ko ang dedication at passion ni Paulo as an artist. Very committed iyan kaya mahirap magpeteks-peteks sa eksena ninyo.”
Ngayong March 16 na magsisimula ang Bridges of Love sa Kapamilya Primetime at yes mareh, naniniwala kaming magiging blockbuster ito sa ratings at tiyak na lagi na naman itong trending gabi-gabi!