PATAY ang isang 41-anyos barangay chairman makaraan barilin ng riding in tandem habang nagpapakain ng ibon sa tabi ng kanilang barangay hall sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng tanghali
Hindi na umabot nang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Oliver Franco y Cando, chairman ng Brgy. 349, Zone 35, residente ng 1779 Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila, tinamaan ng apat bala ng baril sa mukha.
Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.
Ayon sa ulat ni PO3 Michael Maraggun sa tanggapan ni Manila Police District-Homicide Section chief, Chief Insp. Melchor Villar, dakong 12 p.m. nang maganap ang insidente sa tabi ng kanilang barangay hall sa Antipolo St. corner Felix Huertas St., Sta. Cruz, Maynila.
Nagpapakain ng ibon, nang tawagin ng mga suspek ang biktima ng “Chairman!” saka pinaputukan ng apat na beses sa mukha.
Inaalam ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaslang na nakuha sa CCTV sa lugar.
(LEONARD BASILIO)