Monday , December 23 2024

Truck swak sa bangin 1 patay, 8 sugatan

072414 road traffic accident

BAGUIO CITY – Mechanical error ang nakikitang dahilan ng pulisya sa pagkahulog ng isang dumptruck sa bangin sa Inlulan Poblacion, South Lagawe, Ifugao kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng isang lalaki at ikinasugat ng walong iba pa.

Ayon kay PO3 Ricardo Dungeng, nang makarating ang sasakyan sa kurbada ay bigla itong nawalan ng preno na naging dahilan para dumiretso sa bangin na may 30 metro ang lalim.

Idineklarang dead on arrival si Ben Humiwat, 56, residente ng Montabiong, Lagawe, Ifugao.

Samantala, dinala sa Panupdupan District Hospital ang isa sa mga sugatan na si Richard Cotillo Sobrepeña, 46, driver ng dumptruck, kritikal ang kondisyon.

Ang iba pang mga sugatan ngunit nasa mabuti nang kalagayan ay sina Edwin Padilla Baltazar, 52; Jay-ar Castillo Moya, 16; Henry Cabreros Dangan, 39; Kevin Lloyd Danglan Alvarez, 19; Homer Mendoza Nehis, 23; Rainier Dangan Dagdag, 22, pawang residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya, at Leopoldo Ong, 27, mula sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Mapalad na hindi nasugatan ang isa pa sa mga sakay ng dumptruck (BAM-699) na si Rodrigo Marcel Villanueva.

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *